Nakiusap ngayon sa publiko si Comelec Spokesman James Jimenez na huwag munang husgahan ang mga kandidato bilang "nuisance" kahit hindi sila gaanong popular.
Kalat na kalat kasi sa internet ang nasabing bansag sa mga hindi sikat na naghahain ng certificate of candidacy o CoC.
Giit ng opisyal, maling mali na husgahan ang isang tao dahil lamang sa nilalaman ng kaniyang CoC.
Kabilang sa mga naghain ng COC sa pagka-Pangulo ay si Romeo Ygonia na nagpapakilala pang siya raw si "Archangel Lucifer." Inutusan daw siya ng kaniyang master para pamunuan ang Pilipinas.
Habang si Arilla ay nangako namang magtatayo ng absolute monarchy na sistema ng gobyerno na aniya ay mayroong "unlimited power from God".
Si Victor Quijano naman na isang chemical engineer, isusulong niya ang federal system sa gobyerno.
At iba pang mga di kilalang personalidad na naghain ng Coc sa pagka-pangulo ay sina Ephraim Defiño, Businessman David Alimorong, Engineer Ralph Masloff, Lawyer Camilo Sabio, Freddiesher Llamas, Danilo Lihay-Lihay, Sel Hope Kang, Retired AFP officer Adolfo Inductivo, Ferdinand Jose Pijao, Ramon Concepcion, Ferdinan Fortes, Eric Negapatan Gerald Arcega, Taxi driver Alejandro Ignacio, Arturo Pacheco, Gerald Arcega, Sultan Muhammad Issa at Rizalito David na petitioner sa citizenship issue ni Sen. Grace Poe.
Matatandaang nakarating pa sa Senate Electoral Tribunal o SET ang hirit na ito ni David at sa kasalukuyan ay wala pang pinal na desisyon ukol dito.
Muli namang nilinaw ng Comelec na wala pa silang tinutukoy na "nuisance candidates" dahil dadaan pa ito sa maingat na deliberasyon at pagpapasyahan sa buwan ng Disyembre.

Posted at Wednesday, October 14, 2015
Sa darating na October 13, 2015 itinakda ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang dayalogo sa mga producers ng isang Noontime Show sa Kapamilya Network, ang Showtime dahil sa isyu ng pambubugaw.
Ito ay bilang tugon sa inihaing reklamo ng Women's Group na Gabriela na tila ibinubugaw na ang binansagang "Pastillas Girl" alang-alang sa ratings.
Una rito, nais ng Gabriela na imbestigahan ng MTRCB ang nasabing segment kung saan layon na makatagpo ang babaeng nagngangalang Angelica Yap o "Pastillas Girl" ng bagong lover matapos lokohin ng kanyang dating boyfriend.
Hindi raw tama na mistulang ibinubugaw na sa mga lalaki si "Pastillas Girl" para lamang matapatan ang rating sa kabilang Network.

photo from Inquirer
Posted at Wednesday, October 7, 2015
Posted at Saturday, October 3, 2015
Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin.
Mga Positibong Epekto:
· Pag-unlad ng antas ng libangan
· Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan
· Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa
· Global Networking
· Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya
· Mas makakamura sa ibang paraan
Mga Negatibong Epekto:
· Nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao
· Maaaring gamitin sa karahasan
· Nakakasira ng kalikasan
· Technicism – pagiging kampante sa paggamit ng teknolohiya
· Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-maling sitwasyon.
· Ang makabagong teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring makasira o maka-apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.[TeknolohistangPinoy]

Posted at Friday, October 2, 2015
Ipinagmamalaki ng mga Bicolano ang isang mag-aaral ng Unibersidad of Bicol na si Mike Reniebo, 19-anyos, matapos na maging patok sa mga gamers sa iba't ibang bahagi ng mundo ang kanyang dinevelop na computer game.
Hanggang ngayon ay halos 'di pa rin siya makapaniwala sa nagiging tagumpay ng kanyang laro na "Dungeon Souls" kung saan nakakuha na ito ng mahigit sa 24,000 na download at mga positibong reviews.
Sa katunayan, sa unang buwan ng pagkaka-publish ng kanyang laro, kumita na agad ito ng P6 million at patuloy pang nadadagdagan sa pagdami ng mga nagda-download nito.
Inamin nito na nagsimula lang naman sa isang libangan an pagbuo niya sa nasabing laro nitong buwan ng Marso at kanya itong in-upload sa isang American-based website at dito na nga nakakuha ito ng atensyon ng kanyang mga kapwa gamer.
Hindi nagtagal, mismong ang developer ng naturang website ang nag-offer sa kanya na maging publisher ng kanyang dinevelop na laro.

Posted at
image from @ZhanderCayabyab
Dinagsa partikular na ng mga kabataan ang orihinal na tahanan ng bayaning si Apolinario Mabini na matatagpuan sa loob ng Main Campus ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Maynila.
Ito'y matapos maging kontrobersyal ang sinasabing kakulangan sa kaalaman ng maraming estudyante ukol sa nasabing bayani.
Ang bahay ay orihinal na pagmamay-ari ng mag-asawang Cecilio del Rosario at Maxima Castaneda-del Rosario, mga kamag-anak ni Mabini.
Noong 1988 unang nanirahan si Mabini sa nasabing tahanan.
Matapos na hulihin at ipatapon ng Colonial Government ng America sa Guam, nagbalik si Mabini sa bansa noong 1903 at nagdesisyong manirahan sa dating tahanan sa Pandacan kasama ng kanyang kapatid na lalaki.
Noong 2010, nagpalabas si dating pangulong Gloria Arroyo ng Proclamation No. 1992 na nagdedeklara sa PUP Main Campus bilang permanenteng lokasyon ng tahanan ni Mabini. Nagbunsod ito para tawaging Mabini Campus ang Main Campus ng PUP.
Nagsisilbi na ngayong Museo ang bahay ni Mabini kung saan makikita ang ilang larawan at mga kagamitan nito.
Posted at
image from Facebook/Jessant So
Ang pulis na nasa larawan ay si Police Officer 1 Emelio Tizon Jr. at base yan sa direct supervision ni Police Chief Inspector Paul Macasa Sabulao ng Arellano Police Community Precint ng Manila Police District (Malate Police Station-9).
Habang sila ay nagpapatrulya, naispatan nila ang isang babaeng nanghihina at nakaupo sa kalsada na halos mahimatay na.
Nagmadali silang ayudahan ang nasabing babae, bumili ng pagkain at at tubig saka ibinigay sa ale, tinulungan makainum at nang bumuti-buti lagay, dinala nila sa barangay na nakasakop para malapatan ng pangunang lunas.
Nakakabilib ang mga ganitong alagad ng pambasang pulisya.
Kapag ganito lahat ng pulis, di malayong malilinis ang imahe nila at mababalik ang ganap na tiwala ng publiko.
Posted at Wednesday, September 30, 2015