Ipinagmamalaki ng mga Bicolano ang isang mag-aaral ng Unibersidad of Bicol na si Mike Reniebo, 19-anyos, matapos na maging patok sa mga gamers sa iba't ibang bahagi ng mundo ang kanyang dinevelop na computer game.
Hanggang ngayon ay halos 'di pa rin siya makapaniwala sa nagiging tagumpay ng kanyang laro na "Dungeon Souls" kung saan nakakuha na ito ng mahigit sa 24,000 na download at mga positibong reviews.
Sa katunayan, sa unang buwan ng pagkaka-publish ng kanyang laro, kumita na agad ito ng P6 million at patuloy pang nadadagdagan sa pagdami ng mga nagda-download nito.
Inamin nito na nagsimula lang naman sa isang libangan an pagbuo niya sa nasabing laro nitong buwan ng Marso at kanya itong in-upload sa isang American-based website at dito na nga nakakuha ito ng atensyon ng kanyang mga kapwa gamer.
Hindi nagtagal, mismong ang developer ng naturang website ang nag-offer sa kanya na maging publisher ng kanyang dinevelop na laro.

Posted at Friday, October 2, 2015
Itinuturing na "triumph over adversity" ang panalo ng Filipino-Australian Golfer na si Jason Day sa katatapos na PGA Championships.
Hindi biro ang pinagdaanan ni Day bago narating ang kaniyang kinaroroonan ngayon. Si Day ang ika-limang Australian na nanalo ng PGA title at ika-12 na manalo ng major championship. Sa katatapos na tournament ay gumawa rin ng record sa majors si Day na 20-under sa kabuuan. Mistulang nabunutan ng tinik si Day nang makuha ang titulo.
Ayon kay Day, hindi na siya maituturing ngayon na magaling na golfer pero walang nakuhang major title.
Kaagad namang binati ng Australian sporting community si Day sa panalo. Pinuri ni two-time U.S. Open champion Greg Norman si Day sa pagiging bahagi ng elite club na kinabibilangan ng major winners.
Ayon sa golf legend na si Tiger Woods, masaya siya para kay Day na deserving aniya sa panalo.
Anim na taong gulang pa lamang si Day nang i-enroll siya ng amang si Alvin sa Beaudesert Golf Club. Ngunit 12 taong gulang pa lamang siya nang pumanaw ang kaniyang ama.
Sa batang edad ay nakipaglaban din si Day sa alcohol addiction. Nang pumanaw ang ama, mag-isang itinaguyod ng kaniyang Pinay na inang si Dening Day, ang golfer. Noong manalasa ang Super Typhoon Yolanda sa Pilipinas, walong miyembro ng pamilya ni Day ang namatay.
Sa gitna ng U.S. Open. nag-collapse si Day sa field dahil sa iniindang sakit. Bunsod ng mga karanasan, nagkakaisa ang mga Australian sa pagsasabing ang mga pinagdaanan ng Fil-Australian golfer ay naging susi para sa pagiging isang "true major champion" nito.

Posted at Tuesday, August 18, 2015
Pinarangalan ng Northern Police District o NPD si P/Insp. Gina dela Rama Parinas bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan nito kamakailan kung saan mag-isa niyang hinuli ang isang notoryus na holdaper sa McArthur Highway, Bgy. Bunlo, Bocaue, Bulacan nang masaksihang hinoholdap ni Jessie Aquino Estrella, 32-anyos, ang isang babae habang pauwi siya mula sa simbahan.
Posted at Monday, August 10, 2015
Dalawang mag-aaral mula sa Polytechnic University of the Philippines o PUP ang nagwagi sa 'Go Green in the City' competition na ginanap sa Paris, France.
Sa kabuuang 12 finalists mula sa iba't ibang bahagi ng mundo, nagtapos sa ikatlong pwesto sina Christian G. Sta. Romana at John Paul G. Santos dahil sa kanilang inbensyon na Electrifilter.
Ang Electrifilter o Electricity Generation from Filthy Water ay may kakayahang gumawa ng kuryente mula sa waste water. Kaya nitong magpailaw ng lamp post, magpagana ng energy stations at security systems.
May kakayahan din itong salain at linisin ang tubig na maaaring gamitin sa panahon ng pagbaha at bagyo.

report from ABS-CBNnews.com
Posted at Thursday, July 23, 2015
Nasungkit ng Mandaluyong City ang record sa Guinness World Record para sa pinakamaraming bilang ng lumahok sa Zumba.
Di mahulugang karayom ang buong Lungsod ng Mandaluyong sa rami at haba ng mga nagzu-Zumba na pinangunahan ni Mandaluyong Mayor Benjur Abalos at ng kanyang pamilya kung saan umabot sa 12,975 katao ang lumahok, dahilan para talunin nito ang record ng Cebu na naitala noong nakaraang taon na mayroong 8,232 na participants.
Dahil dito, hawak na ngayon ng Mandaluyong ang titulo sa Guinness World Record para sa “Largest Zumba Class in a Single Location”.

Posted at Tuesday, July 21, 2015

Nasungkit ng mga batang Math Wizards mula sa Pilipinas ang 2 silver at 6 bronze medals sa 18th Po Leung Kuk Primary Mathematics World Contest na ginanap sa bansang Hong Kong.
Kinilala ang mga silver medal winners na sina Albriz Moore Bagsic ng Lilyrose School at
Naomi Anne King ng St. Jude Catholic School.
Ang mga bronze medalists naman ay sina Maria Monica Manlises ng St. Stephen’s High School, Annika Angela Mei Tamayo ng Ateneo de Iloilo-Sta. Maria Catholic School, Dominic Lawrence Bermudez ng Notre Dame of Greater Manila, Sted Micah Cheng ng Hope Christian High School, Gregory Charles Tiong ng St. Jude Catholic School at Aiman Andrei Kue ng Zamboanga Chong Hua High School.
Umabot sa 160 elementary students mula sa 15 na bansa (United States, Australia, Bulgaria, South Africa, Singapore, China, Hong Kong, India, Taiwan, Thailand, Indonesia, Mongolia, Macau, Malaysia at Pilipinas) ang nakilahok sa contest mula Huly0 13 hanggang 17.
Posted at Monday, July 20, 2015
Nakuha ng mga Pinoy ang dalawa sa pinakamataas na parangal sa 2015 World Championships of the Performing Arts o WCOPA na ginanap sa Long Beach, California.
photo from WCOPA.com
Narito ang listahan:
2015 JUNIOR GRAND CHAMPION
VOCALIST OF THE WORLD
Ethan David - Canada
DANCER OF THE WORLD
Claire Billson - Australia
DANCE GROUP OF THE WORLD
Chase & Jemima - South Africa
MALE MODEL OF THE WORLD
Lazlo Rathgeber - Hungary
FEMALE MODEL OF THE WORLD
Shelby Delaney-United States
INSTRUMENTALIST OF THE WORLD
Eunike Setia Darma - Indonesia
ACTOR OF THE WORLD
Susie Shine - Ireland
2015 SENIOR GRAND CHAMPION
INSTRUMENTALIST OF THE WORLD
Marney Ackerman - Puerto Rico
VOCAL GROUP OF THE WORLD
Y-Fi - Philippines
DANCER OF THE WORLD
Omani Ormskirk - Netherlands
MALE MODEL OF THE WORLD
Mike Mendoza - Philippines
FEMALE MODEL OF THE WORLD
Sui Yang - China
ACTOR OF THE WORLD
Donnaley Avis - South Africa
DANCE GROUP OF THE WORLD
Chace & Ashley - South Africa
VOCALIST OF THE WORLD
Francois Medley - Jamaica
VARIETY ARTIST OF THE WORLD
Sam Smith - Australia
NATIONAL DIRECTOR AWARDS - MOST ENTRIES ATTENDING WCOPA
1ST PLACE
South Africa
2ND PLACE
Philippines
3RD PLACE
Australia
NATIONAL COSTUME WINNERS
1ST PLACE
Guatemala

Posted at Sunday, July 19, 2015
Kampeon ang Pilipinas sa katatapos lamang na 2014 Trend Micro Condinsanity Asia Pacific Programming Contest sa bansang Taiwan.
$20,000 ang inuwi ng Team Liadri na binubuo ng mga batang mga professional na sina Tim Dumol, Joan Magno, Kevin Atienza, and John Ayson mula lahat sa Makati -Based Start Up Company Kalibrr.
Tinalo nila ang ibang bansa gaya ng China, Japan at Taiwan na kung saan sa final round ay ang pagresolba sa Algorithmic Problems na may kinalaman sa Big Data na kung saan natapos nila ito sa loob ng 24-oras. photo from GMAnetwork.com
Posted at Thursday, August 28, 2014
Albert John Patupat (left) and Clyde Wesley Ang (right)
Dalawang estudyanteng Pinoy ang nagkamit ng gold at bronze medals sa Math contest sa China.
Tumanggap si Clyde Wesley Ang ng Chiang Kai Shek College ng gold medal habang bronze naman ang kay Albert John Patupat ng Holy Rosary College sa pagsabak nila sa 2014 China Western Mathematics Invitational contest na ginanap noong Agosto 14 hanggang 19 sa Chongqing City.
Sabi ni Dr. Simon Chua, presidente ng Mathematics Trainers Guild-Philippines, ito ang unang pagkakataon na nagkamit ng medalyang ginto ang Pilipinas sa naturang patimpalak.
Bukod sa China at Pilipinas, kalahok din sa contest ang mga estudyante mula Indonesia, Hong Kong, Macau, Singapore, Malaysia, Kazakhstan, at Mongolia.
Noong Hulyo, parehong nagwagi sina Ang at Patupat ng gintong medalya sa 2014 Korean International Mathematics competition. | via@ABS-CBNnews.com
Posted at Thursday, August 21, 2014
Aabot sa P150,000 na cash at tseke ang isinauli ng matapat na mag-aaral mula sa Tagum City.
Sinauli ng 4th year student na si Jeffry Balbero ang pitaka na may lamang cash at tseke nitong Martes.
Bumilib ang prinsipal ng paaralan sa katapatan ni Balbero na apat na taon nang nagtatrabaho sa isang pamilya sa Poblacion habang nag-aaral.
Ayon kay Balbero, na iniwan ng mga magulang noong bata pa, kahit hirap sa buhay ay hindi siya nagdalawang-isip na ibalik ang pitaka na naiwan ng isang magulang sa gym ng paaralan.
Plano ng paaralan na parangalan sa harap ng ibang mga estudyante si Balbero sa darating na Lunes upang magsilbi itong ehemplo. | post and video from ABS-CBNnews.com; photo form PhotoWorldManila
Posted at Saturday, August 16, 2014
Nagtapos sa ikalawang pwesto ang Loboc Children's Choir o LCC sa youth category ng 12th China International Chorus Festival o ICF na ginanap sa Beijing.
Nagtanghal ang LCC sa opening concert ng naturang festival kasama ang mga koro mula China, Mexico, Romania, Hungary, Lithuania, United States, Egypt, Portugal, South Africa, Ukraine at Nigeria.
Naganap ang solo concert ng LCC sa National Library Arts Centre kung saan tumanggap ito standing ovation mula sa international audience.
Ang LCC ay isang school-based choir na binubuo ng mga kabataang edad 9 hanggang 13.
Noong 2013, matatandaang nagbigay ang LCC ng madamdaming rendisyon ng "The Prayer" sa tapat ng makasaysayang Loboc Church na giniba ng magnitude 7.2 na lindol sa Kabisayaan. report from ABS-CBNnews.com; photo from DFA
Posted at Sunday, August 10, 2014
Tatlong gintong medalya ang naiuwi ng mga kinatawan ng Pilipinas sa katatapos na 8th World Choir Games sa Riga, Latvia.
Tatlong kategorya kabilang ang folklore, popular music at mixed chamber ang kanilang sinalihan sa International Competition.
Bukod sa tatlong ginto sa Latvia, dalawang gintong medalya at dalawang special awards na Best Performance at Best Soloist din ang iniuwi ng grupo sa 3rd Florence International Choir Festival.
Sa nasabing kompetisyon, sa kanila rin iginawad ang Golden David Award na siyang pinakamataas na uri ng parangal.
Bukod sa grupong mula sa Bicol, kinatawan din ng Miriam College High School Glee Club at Ateneo Chamber Singers ang Pilipinas at nagwagi sa kani-kanilang sinalihang katergorya.
Nakatunggali ng mga Pinoy singer ang nasa 600 chorale groups mula sa halos 60 bansa.
Posted at Saturday, August 2, 2014
Muli na namang itinayo ng ilang kabataan ang bandila ng Pilipinas sa ibang bansa.
Ito'y matapos humakot ng kabuuang 39 na parangal ang ilang mag-aaral na Pinoy sa katatapos na Korea International Mathematics Competition o KIMC na ginanap sa Daejeon, South Korea.
Nakapag-uwi ng dalawang gold, apat na silver at walong bronze medals ang mga kinatawan ng bansa habang 12 merit award ang nasungkit ng Pilipinas sa individual category ng kompetisyon na ginanap noong Hulyo 22 hanggang 26.
Kampeon sa tatlong kategorya ang Pilipinas, first runner-up sa isa at nakasungkit din ng siyam na second runner-up.
Kapwa nag-uwi ng gold medal sina Albert John Patupat ng Holy Rosary College at Clyde Wesley Ang ng Chiang Kai Shek College.
Silver medalists naman sina Fedrick Lance Lim ng Zamboanga Chong Hua High School, Eion Nikolai Chua ng MGC New Life Christian Academy, Jonathan Conrad Yu ng Philippine Christian Gospel School at Shaquille Wyan Que ng Grace Christian College.
Humakot din ng bronze medals sina Kelsey Lim Tiong Soon ng Grace Christian College, Andrea Jaba ng St. Jude Catholic School, David Alexander Amante ng Canossa Academy-Lipa City, Juan Pablo Abola ng PAREF Southridge School, Kylee Wiona Sy ng Pace Academy, Audrey Sy ng St. Jude Catholic School, Miko Johnson Co ng St. Stephen's High School at Vince Jan Torres ng Sta. Rosa Science & Technology High School.
Merit awards naman ang natanggap nina Hans Benedict Te ng Bacolod Tay Tung High School, Gregory Charles Tiong ng St. Jude Catholic School, Robert Gerard Diaz Uy ng St. John Institute, Regina Beatrice Bonifacio ng Mother Goose Special School System, Ma. Leibniz Charisse Parra ng Saint Paul College-Pasig, Marjana Ysabella Montanez ng Heneral Pio del Pilar Elementary School (Main), Alyssa Guevarra ng Philippine Science High School-Main, Isabel Jocyn Villanueva ng PAREF Woodrose School at Naomi Anne King, Jinger Chong at Isabella Mae Tan, na pawang estudyante ng St. Jude Catholic School.
Nakatunggali ng Pilipinas ang kabuuang 575 elementary at high school students mula sa 30 ibang bansa na kinabibilangan ng Australia, Brunei, Bulgaria, Canada, China, Cyprus, Hong Kong, India, Indonesia, Iran, Japan, Kazakhstan, Macau, Malaysia, Mexico, Mongolia, Nepal, Netherland, Nigeria, Philippines, Romania, Russia, Singapore, South Africa, South Korea, Sri Lanka, Taiwan, Thailand, Uzbekistan, Vietnam at Zimbabwe. | via@ABS_CBNnews.com
Posted at Wednesday, July 30, 2014
Pasok ang Vigan sa 21 finalists para sa New7Wonders Cities.
Nitong Lunes, Hulyo 7, inanunsyo ang pag-abante ng naturang lungsod sa Ilocos Sur matapos mapabilang sa may pinakamataas na boto.
Kasama ng Vigan sa Top 21 ang mga sumusunod: Bangkok, Barcelona, Beirut, Chicago, Doha, Durban, Havana, Istanbul, Kuala Lumpur, La Paz, London, Mendoza, Mexico City, Mumbai, Perth, Quito, Reykjavik, Saint Petersburg, Seoul at Shenzhen
Gayunman, hindi pa tapos ang laban ng Pilipinas dahil patuloy ang botohan at iaanunsyo sa Oktubre 7 ang Top 14.
Sa Disyembre 7 naman kikilalanin ang New7Wonders Cities.
Maaaring bumoto sa www.New7Wonders.com.
Posted at Wednesday, July 9, 2014
BANAUE, IFUGAO - Isang matapat na Grade-7 pupil sa Banaue, Ifugao ang nagsauli ng napulot na pitakang naglalaman ng Php45,000 sa isang French Tourist.
Kinilala ang matapat na Grade-7 pupil kay Justin Taynan ng Immaculate Concepcion School.
Hunyo 18 pa umano nang makita ni Taynan ang isang itim na wallet sa loob ng Ohayami Passenger Bus.
Nang mapulot, kaagad niya itong sinabi sa tiyahin at ipinagbigay-alam sa pulisya.
Nakipag-ugnayan ang pulis sa may-ari at naibalik ang wallet nito.
Kinilala ang turista na may-ari ng wallet kay Angelique Decouture.
Sabi ni Decouture, naiwan niya ang kanyang bag sa sinasakyang bus mula Maynila patungo sa Banaue kung saan siya nagbabakasyon.
Samantala, sabi ng Grade-7 pupil, masaya siya sa pagtulong sa turista.
Nang makita sila ng personal, nagpasalamat sa kanya ang turista at binigyan pa siya ng Php500.
'Yan ang Pinoy!

Posted at Tuesday, July 8, 2014
Hawak na ng Boracay ang Guinness World Record para sa pinakamahabang Massage Chain na isinagawa sa front beach mula sa Station 1 hanggang Station 3 sa naturang isla.
Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang sabay-sabay na pagmasahe kasabay ng selebrasyon ng Boracay Day kahapon na dinaluhan ng nasa 1,601 na participants na karamihan sa mga ito ay mga masahista sa isla at iba pang karatig na lalawigan.
Halos 150 mga pulis mula sa iba't ibang municipal police stations sa Aklan ang lumahok sa naturang aktibidad.
Ayon kay Felix delos Santos, Malay tourism chief operation officer, bandang alas-5:30 kahapon ng madaling araw nang magsimula ang registration gamit ang digital counter sa pagbibilang ng mga lumahok.
Alas-8:00 ng umaga naman isinagawa ang aktibidad na masusing binantayan ng ilang kinatawan mula sa Guinness World of Records.
Bagama't inabutan na ng high tide ang mga participants dahilan sa karamihan sa mga ito ay nabasa ngunit nagpatuloy pa rin sa pagmamasahe.
Napag-alaman na Thailand ang kasalukuyang may hawak ng nasabing world record na umaabot sa 1,223 ang lumahok sa pinakamahabang massage chain na nagawa may ilang taon na ang lumipas.
Ang naturang world record breaking attempt ay nakatakdang ipadala sa London para sa final validation at confirmation ng Guinness World Record.
Posted at Sunday, May 18, 2014
Facebook
Twitter