Ang daigdig daw ay nahahati sa dalawang uri lamang ng taong naninirahan. Babae o Lalaki... mapatao, mapahayop at mapainsekto. Dalawang uri pa rin... Babae o Lalaki...
E, paano naman kaya iyong isinilang na nasa pagitan ng babae at lalaki ang damdamin at pag-uugali? Iyong lalaki na pusong babae at iyong babae na pusong lalaki, o sa madaling salita ay iyong Bakla at Tomboy?
Nabubuhay din sila... tao rin sila, at pangkaraniwan din lamang, mas menos ang tingin ng iba: Mababaing uri, katawa-tawa, ipinanganak para libakin, katuwaan, kutyain at hindi para igalang o ituring na pangkaraniwan ding lalaki o pangkaraniwang babae kaya. Kung minsan, nakakalamang pa ang tomboy. Hindi mo puwedeng biruin nang harapan o tuksuhin at mababae o malalaki ka man tiyak na bibirahin ka. Kaya kung libakin man ang tomboy ay patalikod, palihim o pabulong. Samantalang ang bakla ay hayagan... ultimong batang munti ay nanatukso at para bang kasiyahan na ng ibang ipagsigawang bakla ito. Iyong naririnig ntg lahat natatawa naman. Paano ngang hindi ganoon... e, takot lumaban ang bakla. Taglay ang ugali ng babaing kimi, mahiyain at mahinhin. Takot sa basag-ulo kaya naman alagang tuksuhin at pagtawanan.
Ano ang bakla? Bakit nga ba hindi sila magpakalalaki? Para sa inyong kaalaman, maging ang siyensiya ay ipinaliliwanag na ito ay natural. Sumubra lang daw ang Female Hormones sa katawan nila, kaya kahit na katawang lalaki ay nagiging kilos at damdamin babae sila. Sa ibang bansa man ang bakla o tomboy ay tinagurian na nilang Third Sex.
Maging ang simbahan ay nagpapahayag na hindi dapat pagtawanan o libakin ang bakla pagkat hindi nila kasalan ang ipinagkakaganoon nila.
Ang totoo, karamihan sa mga bakla ay "TALENTED" maraming nalalaman sa sining at maituturing na nakahihigit pa sa tunay na lalaki o babae. Kasi ay dalawang uri ang damdamin at panlasa ang naipadama nila. Ang sa babae at ang sa lalaki. Kaya karaniwan ang anumang creation nila ay "OUT OF THIS WORLD" Fabulous, Fantastic at hindi iilang kritiko ang pumuri at pumalkpak sa katangian ng mga bakla.
Marami sa mga bakla ay natutukong maglayas sa kanila dahil sa ikinahihiya, binubugbog at sinisikap ng magulang nilang baguhin sila pagkat nakhihiya. May iilan na natatanggap ng magulang ang tunay na pagkatao ng kanilang anak. Pinababayaan t tinuturing na anak.
Masasaya ang mga bakla... basta nagkasama-sama, nagtitilian at hagikhikan, talaga po namang iskandalong malki. Ganyan sila... ang saya-saya, tilian nang tilian pag nagkakasama-sama, tsismisan nang tsismisan, talsikan nang talsikan ang mga daliri, ang mga paksa ng usapan ay puro paksang babae parang wala nang kamatayn sa kaeetso.
May mga baklang halos perfect ang paggamit nila ng cosmetic surgery, wigs, wiglets, postiche eyelashes at mga falsies na halos magmukahang mg atunay na babae.
Sa kaso ng third sex o "siyoke" naniniwala na hindi sila dapat kamuhian. Sila man sa sarili nila ay nayayamot din, naiinis sa kanilang kalagayan. Nasa kanila na iyon, bago pa sila isilang at wala silang magagawa upang ito ay alisin. Naniniwala rin na ang pagiging siyoke ay isa lamang "ERROR OF NATURE" katulad nang pagkakaroon ng mga isinilang na mga kuba, bingi, bulag at mga may depormadong pangangatawan.