Ikinababahala na ang pagdami ng mga taong walang tirahan, nagugutom, may karamdaman at mga inaabandonang matatanda sa mga lansangan at sa iba pang lugar sa bansa.
Noong 1970 ay iilan lamang ang mga pulubi sa kalye ngunit ngayon ay napakarami nang nagkalat sa kalye at tila walang nagmamalasakit sa kanila.
Maging ang mga indibidwal at mga institusyon na may moral at social obligation na tumulong sa mga pulubi para magkaroon ng magandang buhay ay tila ayaw nang masangkot sa buhay ng mga ito.
Dapat tulungan at magmalasakit tayo sa mga nagugutom, may karamdaman, mga bilanggo at sa mga estranghero.
Dapat rin ang mga tao na basahin at sundin ang mga Gospels na isinulat ng mga Apostoles, dahil sa pamamagitan umano nito ay hindi sila maliligaw ng landas.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Pagdami ng pulubi sa lansangan, ikinababahala.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, May 15, 2014
9:39 AM