Marami nang mga kabataan ngayon ang nalulong sa mga computer games.
Pito sa sampung mga kabataan dito ay napapabayaan na ang kanilang pag-aaral, kadalasang bumabagsak ang kanilang mga grado dahil imbes na mag-aral, naglalaro lamang sila.
Ayon sa pag-aaral, malaki ang epekto ng paglulong ng mga kabataan sa mga computer games.
Una, nakakasira sa kanilang mga mata ang masyadong pagkababad sa computer.
Malaking impluwensya ang mga nilalaro sa kanila, masama man o mabuti ito.
Kung grabe na ang pagkahumaling ng mga kabataan sa computer games, nagkakaroon na ito ng hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan at pati na rin sa kanilang pag-iisip at ugali.
Ang palaging pagtutok sa computer ay nakakasira sa mata lalo na kung wala proteksyon ito.
Pangalawa, ang katagalan sa pag-upo at hindi madalas na pagkilos ay nagdudulot ng pangangawit at kalaunan ay pagsakit ng likod, ulo at iba pang bahagi ng katawan.
Ito ay sa kakulangan na rin sa ehersisyo.
Pangatlo, nakakasira din ito sa pag-aaral dahil ang konsentrasyon na lang ay sa paglalaro at nawalan na ng oras para mag-aral ng leksyon.
Pang-apat at kung walang sariling computer at nagrerenta lamang, dito madalas nauubos ang kanilang pera imbes na pambili ng baon o pagkain.