Dahil na-late sa flag ceremony, sampung estudyante sa grade 6 ang ‘di pinapasok at piningot pa ng kanilang guro sa Camaligan, Camarines Sur.
Galit na galit na sumugod sa paaralan ang mga magulang ng mga batang na hindi pinapasok sa kanilang klase ng gurong kinilalang si Teacher Lea Bay ng Camaligan Elementary School.
Napag-alaman na nagsisimula na ang flag ceremony nang dumating ang mga bata kaya dumiretso na lamang sila sa kani-kanilang mga classroom.
Pero nang makita umano sila ng guro, agad silang piningot at pinalabas ng kwarto.
Hanggang sa gate ng paaralan at sinamahan pa ng guro ang mga bata at pinauwi na hindi alintana ang panganib na mangyayari sa labas ng paaralan.
Hindi napigilan ng mga mag-aaral na mapaiyak kaya agad na nagsumbong ang mga ito sa kanilang mga magulang.
Tiniyak naman ng punong-guro ng paaralan na agad sosolusyunan ang problema.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
10 pupil na-late sa flag ceremony, kinawawa ng guro.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, July 12, 2014
9:41 AM