Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 ang isang bugaw matapos itong mahuling maghahatid na sana sa 11 mga babaeng magsasagawa sana ng "sexual services" sa kapitan ng isang Chinese vessel at sa mga crew sa nasabing barko.
Nakilala ang nahuli na si Jessie Laila Egoy Montecalbo o alias Andrea Pineda, habang ang mga ibubugaw sana niyang kababaihan ay nakilalang sina Josephine Fortun, Marilyn Soriano, Cristy Gonzales, Cecil Sandiago, Janeth Mandabon, Clarence Paje, Licah Dizon, Aileen Sumandol, Maria Fatima Matahum, Mary Grace de Lima at Rhea Muydas na mula pa sa iba't ibang dako ng Caraga Region.
Ayon sa CIDG Caraga, na-rescue nila ang mga biktima sa karagatan ng Brgy. Cagdianao Claver, Surigao del Norte, nang ito ay ihahatid na sana sa Chinese vessel na M/V Jin Li na may kargang mineral ores at nakadaong sa nasabing lugar.
Nakadetine na ngayon si Montecalbo sa detention facility ng CIDG-Caraga.
Habang ang mga biktima ay nasa pangangalaga muna ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa psychosocial counseling. | via@CIDG-Caraga
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
11 babaeng ibubugaw sana sa mga Chinese, na-rescue ng CIDG-Caraga.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, July 5, 2014
10:00 AM