Nagsimula na ang 12 oras na tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza Strip.
Kaninang umaga nang itigil ng magkabilang panig ang bakbakan.
Sa ilalim ng tigil-putukan, magagawa ng mga Palestinian na maglipat ng medical supplies patungong Gaza.
Sa mga oras na ito, magiging posible na rin ang paglilikas sa mga nasugatan maging ang pag-aalis sa mga nasawi.
Bago ito, nabigo na ang kaparehong panawagan na suportado ng Egypt.
Tiniyak naman ni Palestinian Parliament Member Mustafa Barghouti na susundin ng Hamas ang pulisiya
Mula nang sumiklab ang gulo nitong Hunyo, umakyat na sa mahigit 900, karamiha'y sibilyan ang nasawi sa gulo sa patigan ng Hamas at Israel.
Nag-ugat ang alitan nang dukutin at patayin ang tatlong Israeli teenagers noong Hunyo na ibinibintang sa Palestinian militant group na Hamas.
Tumindi pa ang tensyon nang mapatay naman ang dalawang Palestinian teenagers sa Jerusalem noong Hulyo 2 na sinasabing ganti ng mga Hudyo sa naunang pagpatay.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
12-oras tigil-putukan ng Hamas at Israel sa Gaza.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, July 26, 2014
6:48 PM