TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

15-anyos na binatilyo sa Bacolod, sinakal ng guwardya ng mall.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Sunday, July 6, 2014

BACOLOD CITY - Magdedemanda umano ang ina ng isang 15-anyos na binatilyo laban sa guwardya ng pinakamalaking mall sa lungsod ng Bacolod matapos na makailang beses na sinakal at ipinahiya sa maraming tao ang kanyang anak dahil napagkamalan itong nagnakaw ng isang pares na tsinelas.

Ayon sa ina na si Rosalyn, na personal na idinulog sa Bombo Radyo Bacolod ang hindi makataong pagtrato sa kanyang anak na si Ryan.

Aniya, umuwi ang kanyang anak na umiyak dahil pinilit itong paakuin ng guwardya nang nasabing mall na siyang nagnakaw ng isang pares ng tsinelas.

Samantala, sinabi naman ni Ryan sa Bombo Radyo na naglalakad siya sa loob ng mall kasama ang kaibigan nang bigla siyang dinampot, hinila at sinakal na naka-sebilyan na guwardya sa harap ng maraming tao at dinala sa isang silid at doon pinilit na akuin ang kasalanan na hindi naman niya ginawa.

Napag-alaman na ilang beses na ring inirereklamo ang sobrang higpit at pagmamaliit ng mga guwardya sa nasabing pinakamalaking mall. | via@BomboRadyoBacolod

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments