Nagmistulang isang teleserye ang eksena nang magkaharap ang menor de edad na ina at ang kontrobersyal na pari sa Cebu.
Personal na nagpunta sa pamamahay ng menor de edad na ina si Fr. Romeo Obach kasama ang dalawang pari upang personal na magpaabot ng paumanhin.
Niyakap ng mahigpit ni Fr. Obach ang kanyang ipinahiya at napahagulgol sa pag-iyak.
Niyakap din ng 17-anyos na ina ang pari kasabay ng pagpapatawad niya rito habang napaiyak din.
Binigyan ni Fr. Obach ng tatlong pendants ni Baby Jesus at Mama Mary bilang regalo sa nasabing menor de edad na ina.
Pagkatapos niyon, nagsagawa ng prayer session sa loob ng bahay na tumagal ng isang oras.
Sa ngayon, nananawagan ang dalagitang ina sa mga tao na huwag na punahin ang pari sapangkat ito ay kanya ng napatawad.
Matatandaang naging kontrobersyal si Fr. Obach matapos pinahiya ang menor de edad na ina sa harap ng maraming tao dahil sa kanyang pagiging single mother.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
17-anyos na ina pinatawad na ang pari na napahiya sa kanya sa binyag.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, July 12, 2014
9:48 AM