TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

2 bandido sinundo ng chopper ni Rep. Manny Pacquiao para sumuko.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, July 11, 2014

Dalawang magkakapatid na bandido ang sumuko kay Rep. Manny Pacquiao.

Kinilala ang mga ito na sina Roland at Jiboy Maguan, miyembro ng Valdez Maguan Cattle Rustling Group. 

Una rito, lumapit umano ang dalawa sa isang guro sa Lanao Kapanglaw, Brgy. Datalbukay Glan, Sarangani Province.

Dahil dito gumawa ng paraan ang nasabing guro para makausap si Rep. Pacquiao hinggil sa pagsuko ng dalawa.

Ayaw daw ng mga ito na sa pulisya susuko dahil natatakot na baka ipapatay sila.

Nang malaman ni Manny ang insidente, ipinadala nito ang kanyang chopper sa Lanao Kapanglaw para susunduin ang mga ito.

Sa pagdating ng kapitolyo, nakaposas na ang magkakapatid na dinala ng mga pulis kung saan naghihintay si Manny.

Kinumpirma naman ng Sarangani PNP na wanted ang magkakapatid na Maguan dahil sa kasong murder.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments