Nauwi sa pighati ang masayang pagsasama ng magkapatid habang papunta sa bukid dito sa Ilocos Sur.
Tinamaan ng kidlat ang magkapatid na sina Troy at John Rey Peneyra, parehong taga-Barangay Baliw, bayan ng San Juan.
Masuwerteng hindi tinamaan si John Rey, na nagpapagaling ngayon sa Pira Clinic and Hospital habang ang kapatid na si Troy ay siyang napuruhan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo sa bukid ang magkapatid na Peneyra para manguha ng damong ipapakain sa mga alagang hayop.
Habang nasa bukid, biglang kumulog, kumidlat at bumuhos ang malakas na ulan.
Sa pagtama ng kidlat, natamaan ang magkapatid pero ang nakakabatang si Troy ang binawian ng buhay.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
2 magkapatid tinamaan ng kidlat, 1 patay
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, July 21, 2014
9:56 AM