TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

26-anyos na ginang, patay nang tamaan ng kidlat sa Negros Occidental.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, July 26, 2014

SAGAY CITY, NEGROS OCCIDENTAL - Patay ang isang babae matapos natamaan ng kidlat sa lungsod ng Sagay sa lalawigan ng Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Michelle Padillo, 26-anyos.

Napag-alaman na naglalakad umano ang biktima pauwi sa kanilang bahay mula sa paglalaba sa ilog nang ito ay tinamaan ng kidlat.

Ito ay nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at iba't-ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kanyang agarang pagkakasawi.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Napag-alaman din na nagpapasundo sana ang biktima sa mister dahil hindi nito makaya ang pagbuhat sa mga nilabhan ngunit nadatnan na ito ng ulan ay hindi pa nakarating ang mister kaya dali-dali itong tumakbo pauwi sa kanilang bahay ngunit natamaan ng kidlat habang nasa daan.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments