VICTORIAS CITY, NEGROS OCCIDENTAL - Inaalam pa ng pamunuan ng paaralan kun ano ang sanhi ng pagkamatay ng kanilang estudyante matapos nawalan ng malay sa loob ng kanilang silid-aralan sa Victorias City, Negros Occidental.
Ang biktima ay kinilala kay Aira Baldeo, 15-anyos, 2nd year high school student ng Victorias National High School sa nasabing lungsod..
Sa ulat ng Bombo Radyo Bacolod, biglang hinimatay ang biktima at natumba matapos nakaramdam ng pagkahilo dakung alas-2:00 ng hapon.
Nang nagkamalay, sinabi nito na biglang sumama ang kanyang pakiramdam ng naamoy ang ginamit na pabango ng kanyang kaklase.
Kaugnay nito ay pinauwi na lamang ng kanyang guro ang biktima at pinasamahan sa isa nitong kaklase.
Dinala umano ng kanyang ina ang estudyante sa health center sa kanilang lugar ngunit walang doktor kaya umuwi sila.
Habang nasa bahay ay muling sumama ang pakiramdam ng biktima at nagpasya ang ina na dalhin ito sa ospital, ngunit hindi na sila nakarating pa at binawian na ito ng buhay. | via@BomboRadyoBacolod
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
2nd yr high school student, patay matapos nakalanghap ng perfume.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, July 4, 2014
6:48 PM