Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA na kabilang ang tatlong Pinoy sa mga nasawing 298 na pasahero sa nangyaring pagbagsak ng Boeing 777 Malaysian Airlines sa border ng Russia at Ukraine.
Mismong ang Amsterdam Airport CEO ang nagkumpirma na may tatlo tayong kababayan na nakasama sa malagim na trahedya.
Maliban sa tatlong Pinoy, 154 dito ay Dutch national, 27 ang Australian at 23 naman ang Malaysian national.
Batay sa ulat ng mga otoridad sa Ukraine, pinabagsak ng mga rebelde ang flight MH17 na patungo sana sa Kuala Lumpur, Malaysia galing ng Amsterdam.
Kinumpirma naman ng Ukrainian Interior Ministry Adviser na lahat ng pasahero ng nasabing eroplano ay namatay kabilang ang 280 passengers at 15 crew.
Pinaiimbestigahan na ng Prime Minister ng Ukraine ang nasabing insidente.
Samantala, sinabi naman ng bansang Malaysia na hindi pa kumpirmado kung pinabagsak ng rebelde ang nasabing eroplano. | via@DFA photo@ENCA.com
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
3 Pinoy, napabilang sa Ukraine Plane Attack.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, July 18, 2014
9:02 AM