Itinaas na ang Signal No.1 sa mga lugar sa Batanes at Cagayan dahil sa Bagyong Henry, na lalo pang lumakas at bumilis.
Kabilang sa mga isinailalim na sa Storm Signal No.1 ang Batanes Group of Islands, Cagayan kasama ang Babuyan at Calayan Group of Islands.
Taglay na ngayon ni 'Henry' ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 130 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 160 kph.
Pa-hilagang-kanluran pa rin ang direksyon ng bagyo ngunit lalo pa itong bumilis sa 20 kph.
Huli itong namataan sa layong 340 kilometro hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes.
Dahil sa paghila ng bagyo, katamtaman hanggang sa kung minsa'y malakas na pag-ulang dala ng Habagat o southwest monsoon ang aasahan sa Cagayan Valley, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas at Aurora Province ngayong araw na ito.
Magpapaulan ang Habagat ngayong gabi hanggang bukas sa Visayas, Southern at Central Luzon kasama na ang Metro Manila.
Sa unti-unting pag-akyat ng bagyo sa dulong hilagang Luzon lalong asahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga nasabing lugar. | via@DOST_PAGASA
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
4 na lugar, nasa signal no. 1 na dahil sa bagyong 'Henry'.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, July 21, 2014
10:30 AM