Iniinspeksyon ngayon ng Mines and Geosciences ng Department of Environment and Resources o DENR-7 at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office-7 ang nadiskubring “sinkhole” sa may Sitio Dapdap, Barangay Langub, Santa Fe, Cebu.
Agad ipinalikas ang nasabing pamilya, na nasa 300-500 metro ang layo mula sa “sinkhole” upang maiwasan ang anumang disgrasya.
Ayon sa PDRRMO-7, na batay sa report na isinumite ng Santa Fe sa kanilang tanggapan, lumabas na ang nasabing “sinkhole” ay may lalim na 40 feet at malapit ito sa baybayin ng Santa Fe.
Inihayag din ng Mines and Geoscience DENR-7 na isa ang Cebu na isinailalim sa monitoring sapagkat kadalasan sa lupa ay galing sa limestone na posibling makabuo ng sinkhole.
Mas mahigpit ang isinagawang monitoring bunsod sa patuloy na pag-ulan kung saan posibling magresulta sa mga pagbaha, pagguho ng lupa at pagkakaroon ng “sinkhole”. | via@PDRRMO-7
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
40feet na sinkhole, nadiskubri sa Cebu.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, July 27, 2014
10:43 AM