ILOILO CITY - Umaabot na sa 43 ang kabuuang bilang ng mga Taiwanese Nationals na miyembro ng cyber syndicate ang naaresto sa lungsod ng Iloilo.
Una rito kahapon ng hapon, unang naaresto ang 23 miyembro ng umano'y sindikato sa isang bahay sa Imperial Subdivision sa Guzman-Jesena, Mandurriao.
Kasunod nito, isa pang operasyon ang isinagawa kung saan karagdagang 20 pang mga suspek ang naaresto sa isang bahay sa Block 10, Ledesco Village, Lapaz, Iloilo City.
Posibleng dalhin ang mga ito sa Metro Manila at inaasahang ipapa-deport pabalik sa Taiwan para masampahan ng kaso.
Napag-alaman na ang modus ng grupo na tumawag sa mga bigtime na negosyante sa Taiwan at Mainland China at lolokohin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasabi na may nagawa silang paglabag sa batas kagaya ng money laundering.
Kapag nakumbinsi na ang kanilang biktima, dito na aalukin nila na magdeposito ng pera sa kanilang account.
Sa impormasyon ng mga otoridad, pinili umano ng mga ito na mamalagi sa Iloilo City bagamat wala silang binibiktimang Filipino.
Isesentro ang kanilang operasyon dahil mas magaan daw ang kanilang kasong haharapin sakaling mahuli.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
43 miyembro ng cyber syndicate, naaresto sa Iloilo City.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, July 10, 2014
1:41 PM