Kinumpirma ngayon ng mga otoridad na 47 ang namatay sa plane crash sa Taiwan matapos magkaroon ng aberya ang isang passenger plane bago mag-landing.
Nag-iwan din ang nasabing aksidente ng wasak na kabahayan at nga sasakyan.
Ayon sa Penghu Disaster Response Center maliban sa namatay ay 11 pa ang sugatan.
Napag-alamang ang ATR-72 na ino-operate ng Taiwan TransAsia Airways ay may lulan na 58 pasahero at crew nang mahulog sa Penghu, sa Taiwan Strait sa pagitan ng Taiwan at China.
Galing umano ang eroplano sa Kaohsiung sa southern Taiwan.
Ang mga pasahero ay kinabibilangan ng dalawang French Citizens at ang lahat ay Taiwanese.
Ang eroplano ay nahulog sa second attempt landing sa runway ng airport dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyong Henry.
Wala namang napaulat na may Pinoy na nakasama sa aksidente.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
47 patay sa Taiwan plane crash dahil sa bagyong 'Henry'.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, July 24, 2014
9:37 AM