Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
55% pamilyang pilipino ang nagsabing "mahirap sila".
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, July 30, 2014
9:59 AM
Tumungtong na sa 12.1 milyong pamilya ang nagsasabing "mahirap sila".
Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations o SWS nitong Hunyo 27 hanggang 30, 55% ang nagsabing "mahirap sila". Mas mataas ito sa 53% o tinatayang 11.5 milyong pamilya noong 1st quarter ng salukuyang taon.
Lumalabas dito na halos 600,000 pamilya ang nadagdag sa mga mahirap sa loob lamang ng tatlong buwan.
Mula naman sa 33% noong Marso, tumaas na rin sa 41% o 9 milyong pamilya ang nagsabing "mahirap sila" pagdating sa usapin ng pagkain o food poverty kumpara nitong Hunyo. | via@SocialWeatherStations