TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

6-anyos na bata, biktima ng stray bullet sa Negros Occidental.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Monday, July 7, 2014

CADIZ CITY - Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya upang matukoy kung sino ang nagpaputok ng kaniyang baril na tumama sa isang anim na taong gulang na bata sa Negros Occidental.

Patuloy na ginagamot sa Silay Provincial Hospital ang biktima na batang lalaki at residente ng Cadiz City.

Batay sa imbestigasyon, isang bala ng hindi pa nalamang calibre ng baril ang tumana sa likod ng bata.

Nangyari ang insidente dakong 1:00 kaninang madaling.

Kaagad naman na isinugod ang biktima sa isang clinic sa lungsod ng Cadiz ngunit inilipat sa pagamutan sa lungsod ng Silay para sa nararapat na paggamot.

Hindi pa ngayon matiyak ng pulisya kung stray bullet ang tumama sa bata o sadyang binaril.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments