TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

7 ang patay sa pananalasa ng bagyong 'Glenda' sa bansa.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, July 16, 2014

Pito na ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong "Glenda" sa bansa.

Sa Bayawan, Negros Oriental, patay ang magkapatid na paslit matapos tumawid sa Tabuan River, kahapon.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD)-Central Visayas, sinubukang tumawid nina Julie Junalis, 10-anyos at Juvira, 6, sa lawa habang nasa kasagsagan ng sama ng panahon nang naanod sila sa lakas ng tubig.

Patay din ang isang lola matapos siyang mabagsakan ng puno sa Cainta, Rizal kanina sa kasagsagan ng bugso ng hangin at ulan. 

Kinilala ni Cainta Mayor Kit Nieto ang 60-anyos.

Nasawi naman ang nurse na si Lourdes Ongray Lim, 25-anyos sa Allen, Samar, matapos siyang madaganan ng nalaglag na poste ng kuryente.

Tatlo din ang naitalang nasawi sa Lucena,matapos mabagsakan umano ang mga ito ng gamit habang sinasalanta ng bagyo ang probinsya. | photo@johnsonmanabatDZMM_RP

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments