TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

7 huli sa pagnanakaw ng bigas sa Sultan Kudarat.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, July 12, 2014

SULTAN KUDARAT - Pitong kalalakihan, kabilang ang dalawang menor de edad, ang nahuli ng mga otoridad dahil sa pagnanakaw ng 48 sako ng bigas sa isang warehouse sa Lungsod ng Tacurong, lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa Tacurong City PNP, nahuli sa aktong nagnanakaw ng mga bigas ang mga suspek.

Kinilala ang mga ito na sina Alfred Paraiso, Alex Dela Cruz, Rhoderick Gargar, Luigi Ganny, at Darwin Camansa, pawang nasa legal na mga edad at residete ng nabanggit na lungsod, habang hindi naman pinangalanan ang dalawang menor de edad.

Kaugnay nito, ipinasiguro ng may-ari ng warehouse na itutuloy niya ang kaso laban sa mga suspek na nasa kustodiya na ng mga pulis.

Habang, itinurn-over na rin sa City Social Welfare Office o CSWO ang dalawang menor de edad.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments