Pito katao ang isinugod sa ospital matapos nahulog sa lumitaw na sinkhole sa Kabankalan City, Negros Occidental.
Nawalan ng malay nang isinugod sa ospital ang mga biktima na kinilala na sina Jonavelie Centinales at ang anak nito na si Shanea, at ang mag-asawang sina Ruzel at Bryan June Camayra at ang kanilang anak na si Shiela, pawang residente ng Purok Jalandoni, Brgy. Uringaw, Kabankalan City.
Nawalan din ng malay ang asawa ni Jonavelie na si Rico Centinales at ang pinsan nito na si Alexis Andrico na tumulong sana para makuha ang mga biktima na nahulog sa sinkhole ngunit sila ang nahulog din.
Ayon sa mga biktima, nakalanghap sila ng hangin na may sulfur at masakit sa mata dahilan nang sila ang nawalan ng malay.
Napag-alaman, dakung alas-8:00 ng gabi habang pauwi ang mga biktima nang biglang bumigay ang lupa na kanilang tinatayuan sa isang basketball court.
Ang sinkhole ay may malapad na 10feet at 12feet naman ang lalim
Base sa paliwanag ng mga experto, lumitaw ang sinkhole kun mayroong limestone, carbonate rock o salt beds sa ilalim ng lupa at unti-unting tinutunaw ng ground water dahilan na wasakin ang lupa at nagaporma na malaking yungib sa ilaalim.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
7 katao nahulog sa sinkhole sa Kabankalan City, Negros Occidental.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, July 4, 2014
10:04 AM