Umakyat na sa 94katao ang nasawi matapos ang pananalasa ng Bagyong "Glenda", kung saan hanggang sa ngayon patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nasawi at ang halaga ng nasirang mga ari-arian bukod sa pinsala na idinulot sa sektor ng agrikultura at infrastraktura.
Sa latest report ng NDRRMC, 94katao na sa ngayong ang nasawi kung saan ang pinakahuling naitalang casualties ay mula sa Quezon na matinding hinagupit ng bagyong "Glenda".
Sa bilang ng mga nasawi, 67 mula sa Region IV-A (Calabarzon region). Sa probinsiya ng Quezon nasa 26 ang nasawi.
Death toll sa Laguna nasa 17, Batangas 13, Cavite walo, at Rizal tatlo.
Umabot na rin sa 317 ang bilang ng sugatan habang anim pa ang missing sa ngayon.
Umakyat na sa mahigit P7.3 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo sa higit limang rehiyon na hinagupit nito.
Aabot sa mahigit P1 bilyon ang halaga ng mga nasirang imprastraktura.
Nasa mahigit P6.3 bilyon naman ang pinsala sa mga pananim, livestock at agricultural facilities.
Higit P27 milyon naman ang naitalang pinsala sa mga gusali sa mga paaralan.
Samantala, nagpalabas naman ng P16 milyong halaga ng relief goods at gamot ang DSWD para sa mahigit 1.6 milyong katao na apektado ng bagyo.
Sa kabilang dako, higit sa kalahating milyon pa ang nananatili ngayon sa mga evacuation center. | via@NDRRMC
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
94katao na ang nasawi sa pananalasa ng bagyong 'Glenda'.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, July 20, 2014
11:39 AM