TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Air Algerie., bumagsak at nawawala.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, July 25, 2014

Kinumpirma ngayong ng mga opisyales ng Algeria na hindi lang nawawala kundi bumagsak ang Air Algerie na may lulang 116 pasahero.

Karamihan umano sa mga pasahero ng nasabing eroplano ay French National na aabot sa 51katao.

Maliban dito ang iba pang nakasakay sa eroplano ay kinabibilangan ng 24 Burkinabe, 8 Lebanese, 4 na Algerian National, 2 mula sa Luxembourg, 1 Belgian, 1 Swiss, 1 Nigerian, 1 Cameroonian, 1 Ukrainian at 1 Romanian.

Sinabi naman ng Lebanese Officials na aabot sa 10 Lebanese Citizens ang kasama sa flight.

6 naman sa mga crew ay galing sa Spain.

Nabatid na ang Flight 5017 ay nawalan ng contact sa radar 50 minuto matapos mag-takeoff mula sa Ouagadougou, Burkina Faso.

Nakatakda sanang lumapag sa Houari Boumediene Airport sa Algiers, Algeria ang eroplano matapos ang apat na oras na biyahe.

Ayon sa mga otoridad ang eroplano na isang MD-83 ay may lulang 110 pasahero, dalawang piloto at apat na mga crew.

Ang Air Algerie ay ang National Carrier ng Algeria na may flights patungo sa 28 bansa.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments