Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Animal robotic na buwaya agaw-atensyon ngayon Crocodile Park sa Pasay City.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, July 6, 2014
5:55 PM
Agaw-atensyon ngayon sa mga namamasyal sa Crocodile Park sa Pasay City ang isang animal robotic na buwaya na pinangalanang "Longlong" na kahawig at hango sa sikat na tinaguriang pinakamalaking buwaya sa buong mundo na si "Lolong".
Mas mahaba lamang si "Longlong" ng isang pulgada kay "Lolong".
Matatandaang nahuli ang buwayang si "Lolong" noong 2011 sa Bunawan, Agusan del Sur pero namatay noong Pebrero 2013.
Gawa ang animal robotic sa fiber glass at goma, bakal naman ang nagsilbing frame nito. Kaya nitong ibuka ang bunganga at igalaw ang ulo. Pwede rin itong gumapang dahil may gulong.
Sa loob ng katawan, may taong pumipidal nang nakahiga para makagalaw ito.
Halos tatlong buwan din itong binuo ng mga local artist na mula sa Davao City na sina Juvy Bangut at Jessie Suerte.
Tinatayang nasa Php80,000 ang ginastos dito.