TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

'Apology' ng paring namahiya, inisnab ng dalagang ina.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, July 9, 2014

Hindi tinanggap ng menor de edad na ina ang written public apology ng pari na nagpahiya sa kanya sa mismong binyag ng anak nito noong Linggo.

Kahapon, nagpaabot ng kasulatan si Fr.Romeo Obach sa pamilya ng ina, sa netizens at sa media na humihingi ng kapatawaran.

Ayon sa dalagitang ina, kanyang sinabi na hindi niya tanggap ang paghingi ng kapatawaran ng pari.

Aniya, dapat personal na mag-sorry ang pari at hindi lang sa sulat dahil personal umano siyang pinahiya sa harap ng maraming tao.

Matatandaang naging usap-usapan sa social networking sites nang ini-upload ang dalawang minutong video kuha mula sa binyag na pinagalitan at pinahiya ang menor de edad na ina dahil sa kanyang pagiging single mother.

Sa video, humirit si Fr. Obach na kung hindi ba raw nahihiya sa sarili na nabuntis na walang mister at sinabihan pa ang mga parokyano na hindi dapat tularan ang nasabing menor de edad na ina.

Watch This Video: Click Here!

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments