Lalo pang lumakas ang bagyong "Florita" habang binabagtas ang karagatan sa hilagang-silangan ng bansa.
Sa latest weather bulletin ng Pagasa, naitala na sa 175 kilometro kada oras ang lakas ng hangin ng bagyo malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 210 kilometro kada oras.
Alas-10:00 kaninang umaga nang huli itong mamataan sa layong 990 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City.
Una ng naiulat na pinapaigting ni "Florita" ang hanging habagat o southwest monsoon na maaaring magdulot ng panibagong mga pagbaha.
Inaasahang magdadala ng katamtamang pag-ulan ang bagyo sa Bicol Region, Visayas, at MIMAROPA (Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan).
Habang mapanganib naman ang paglayag sa eastern seaboard ng Luzon dahil sa paminsan-minsang pag-ulan.
Sa pagtaya ng Pagasa, Martes ng umaga inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Bagyong Florita, lumakas pa.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, July 6, 2014
5:52 PM