Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang Bagyong "Florita" at patungo na ng Japan.
Ayon sa PAGASA, alas-8:00 ng umaga anya nang makalagpas ng PAR line ang mata ng bagyo.
Nananatili ang lakas ng hangin ni 'Florita' malapit sa gitna sa 185 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 220 kilometro kada oras.
Una nang itinaya ng PAGASA na posibleng humina pa si 'Florita' habang papalapit sa Japan, na nakahanda na ngayon sa pananalasa ng bagyo.
Sa pagtaya ng Weather Bureau ng bansa sa magiging lagay ng panahon, posibleng sa Hulyo 12, Sabado pa tuluyang maging maulap na lamang ang panahon sa bansa.
Sa ngayon, patuloy na magpapaulan sa bansa ang Habagat o Southwest Monsoon.
Magdadala ito ng pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos region, MIMAROPA, maging ang mga probinsya ng Zambales, Bataan, Cavite, Laguna at Batangas.
Sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas, asahan ang katamtaman hanggang sa kung minsa'y malakas na pag-ulan.
Paminsan-minsang pag-ulan naman ang babagsak sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.
Pulo-pulong pag-ulan at pagkidlat-pagkulog naman sa Mindanao.
Wala pa namang namamataang sama ng panahon ang PAGASA kasunod ni 'Florita.' | via@PAGASA
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Bagyong "Florita", nasa labas na ng PAR.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, July 8, 2014
10:13 AM