Posibleng unang tamaan ng sentro ng bagyong "Glenda" ang Albay at Sorsogon sa pagitan ng alas-6:00 at alas-8:00 mamayang gabi.
Ito ang naging pahayag ng Pagasa, kasunod ng pagbagal ng sama ng panahon habang papalapit sa kalupaan ng Bicol Region.
Huli itong namataan sa layong 270 km silangan ng Legazpi City. Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 120 kph at pagbugsong 150 kph. Umuusad ito patungo sa kanlurang direksyon sa bilis na 20 kph.
Signal 3:
Catanduanes, Albay, Sorsogon, Camarines Sur, Burias Island at Ticao Island
Signal 2:
Camarines Norte, Masbate, Marinduque, Quezon, Polilio, Batangas, Laguna, Cavite, Bulacan, Metro Manila, Samar at Eastern Samar
Signal 1:
Romblon, Occ Mindoro, Oriental Mindoro, Lubang Island, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan, Quirino, Nueva Viscaya, Benguet, La Union, Aurora, Northern Leyte at Biliran Island. | via@PAGASA
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Bagyong 'Glenda', dadaan ng Bicol Region mamayang gabi.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, July 15, 2014
9:14 AM