TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Bagyong "Glenda" inaasahan papasok sa PAR bukas ng gabi.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, July 12, 2014

Binabantayan na ng PAGASA ang isang bagyo na nabubuo sa karagatang Pasipiko na nagbabantang pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR.

Ayon sa PAGASA, dumaan sa karagatang sakop ng Pilipinas ang bagyong Florita na ngayo’y nanalasa sa Japan na ikinamatay ng tatlong katao at nagdulot pinsala sa mga ari-arian.

Ayon pa sa PAGASA, ang panibagong bagyo ay nabuo malapit sa bisinidad ng Guam at inaasahan na papasok ito sa PAR sa Linggo ng gabi o sa Lunes ng madaling araw.

Gayunman, tulad ng nagdaang bagyong Florita, mababa ang posibilidad na tumama ang bagyo o magkaroon ng landfall sa Pilipinas sa halip ay gigilid lamang at papunta sa Japan.

Pero ayon sa PAGASA, malayo pa ang bagyo at may posibilidad pang magbago ang kanyang direksyon. 

Samantala, patuloy na makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang bahagi ng Mindanao.

Ito’y dahil sa umiiral na inter-tropical convergence zone o ITCZ o nagsasalubungang hangin mula sa magkaibang direksyon na siyang nagdadala ng mga kaulapan dahilan upang nagkakaroon ng mga pag-ulan o thunderstorms. | via@PAGASA

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments