Lalo pang lumakas ang bagyong "Glenda" habang nakaamba ang pagtama nito sa kalupaan ng Luzon.
Ayon sa Pagasa, taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 120 kilometro bawat oras.
Kaninang bago magtanghali ay natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 620 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Umuusad ito pa kanluran sa bilis 28 kilometro bawat oras.
Sa ngayon ay nakataas na ang signal number 2 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Sorsogon.
Signal number one naman sa Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands, Marinduque, Quezon, Polillo Islands, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan, Southern Aurora at Metro Manila at Northern Samar.
Bahagyang lumihis ang direksyon na tinatahak ng bagyo at sa pagtaya ng Pagasa, maaring unang mag-landfall ito sa Catandunaes sa umaga ng Martes at tatahakin ang bahagi ng Bicol Region, partikular sa Camarines Sur, Camarines Norte, Polillo Island.
Maapektuhan din nito ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan.
Dahil dito ngayon pa lamang ay inabisuhan na ng Pagasa ang mga residente sa mga lugar na nasa direksyon ng bagyo na paghandaan ang mga malalakas na pag-ulan at hangin na maaring humantong sa mga pagbaha at pagguho ng lupa. | via@PAGASA
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Bagyong 'Glenda' lumakas pa.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, July 14, 2014
2:25 PM