Aasahang lalabas na sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong "Henry" bukas ng umaga.
Huling namataan ang bagyo sa layong 280 km hilagang silangan ng Aparri Cagayan.
Taglay pa rin ni "Henry" ang lakas ng hangin na 130 kph, pagbugso na aabot sa 160 kph at tinatahak nito ang direksiyon na hilagang kanluran sa bilis na 24 kph.
Nakataas pa rin ang Signal No.2 sa Batanes group of Island, Signal No.1 sa Cagayan, Babuyan at Calayan group of islands.
Apektado pa rin ng bagyong Henry ang Southwest Monsoon o "Habagat" na magdadala ng moderate hanggang occasionally heavy rains at thunderstorms sa Cagayan Valley, CALABARSON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas at ang mga probinsiya ng Zambales ,Bataan at Aurora.
Samantala may isang panibagong sama ng panahon ang namataan ng Pagasa.
Inaasahang papasok ng PAR Line ang namataang Low Pressure Area o LPA sa weekend.
Silangan ng Bicol Region ang magiging tatama nito.
Sakaling ganap na lumakas, tatawagin itong bagyong "Inday". | via@DOST_PAGASA
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Bagyong "Henry" lalabas na sa PAR bukas ng umaga.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, July 22, 2014
9:43 AM