Bahagya pang lumakas ang bagyong "Henry" habang lalong palapit sa kalupaan.
Sa ulat ng Pagasa, na sa ngayon taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras at may pagbugsong aabot sa 90 kilometro bawat oras.
Lalo rin itong lumapit sa kalupaan ng Guiuan, Eastern Samar.
Huling namataan ang sentro ng bagyo alas-7:00 kaninang umaga sa 575 kilometro silangan ng Guian.
Kumikilos ito patungong hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Bagama't walang storm signal na nakataas sa alinmang lugar sa bansa.
Hindi tatama sa kalupaan ang bagyong Henry pero pinapaigting nito ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa Visayas, Mindanao, Bicol region at mga lalawigan ng Aurora at Quezon. | via@DOST_PAGASA
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Bagyong "Henry" lalong lumakas pa.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, July 19, 2014
12:53 PM