TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Bagyong "Henry" napanatili ang lakas pero bumagal.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Sunday, July 20, 2014

Napanatili ng bagyong "Henry" ang lakas nito habang lumapit pa sa kalupaan ng Eastern Samar.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang mata ng bagyo sa 445 kilometro silangan ng Borongan sa Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 150 kilometro bawat oras. 

Bahagyang bumagal ang nasabing sama ng panahon kung saan kumikilos ito pa-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras. 

Nagbabala ang Pag-asa sa posibleng flash floods at landslide na dala ng mga pag-ulan sa Bicol region at Visayas dulot ng bagyong "Henry".

 Pinag-iibayo ni "Henry" ang habagat na siyang nagdadala ng mga pag-ulan. | via@DOST_PAGASA

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments