Pumasok na sa karagatang sakop ng Pilipinas ang bagyong si "Henry".
Pero ang magandang balita ayon sa Pagasa, hindi na magkakaroon ng landfall sa alinmang panig ng Pilipinas ang sentro ng bagyo sa halip ay tutumbukin nito ang Taiwan at Southern Japan.
Huling natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 890 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro bawat oras at may pagbusong hangin na aabot sa 85 kilometro bawat oras.
Nilinaw naman ng Pagasa na kahit hindi na tatama sa kalupaan ng Pilipinas ang bagyong Henry ay magdudulot pa rin ito ng mga pag-ulan lalo na sa Luzon at Visayas dahil pag-iibayuhin nito ang hanging habagat sa susunod na linggo.
Magugunitang kakaalis lamang ng Pilipinas ang bagyong Glenda kung saan umabot na sa 40 ang bilang ng mga nasawi habang mahigit sa P1 billion ang pinsala sa imprastraktura, agrikultura at mga ari-arian. | via@DOST_PAGASA
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Bagyong "Henry", pumasok na sa PAR.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, July 18, 2014
1:03 PM