3 taong gulang na batang babae, nabuhay sa gitna ng seremonya ng kanyang libing.
Pinag-usap-usapan ngayon sa social networking site ang hindi mapaliwanag na pangyayari sa isang tatlong taong gulang na batang babae mula sa Aurora, Zamboanga del Sur.
Ipinahayag na patay na ang bata at nakatakda nang ilibing ito noong Sabado, Hulyo 12, 2014 ala-1:00 ng hapon, pero sa huling bendisyon ng pari, nagulat na lamang ang lahat lalo na ang mga magulang ng bata na bigla na lamang ito nabuhay ang nasabing bata sa kanyang kabaong.
Kinilala ang bata na si Baby Rose, 3-anyos ng Aurora, Zamboanga Del sur.
Ang pamilya at mga tao sa loob ng simbahan ay nagulat at hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan nang binuksan ni Baby Rose ang kanyang mga mata sa panahon ng seremonya ng kanyang libing.
Napag-alaman, nagpasya ang pamilya ng bata na ilibing agad si Baby Rose kahit 24 oras pa lamang ito napatay.
Napatay si Baby Rose noong Biyernes at nagpasya ang mga mugalang na ilibing agad nitong Sabado, dahil sa kahirapan hindi na nila ito dinala sa poneralya.