Naglunsad ng isang Mobile Application ang pamahalaan na maaaring gamitin bilang gabay ng publiko sa panahon ng kalamidad.
Layon ng "Batingaw" Mobile App na maiparating nang mas mabilis ang mahahalagang impormasyon sa publiko.
Sa pamamagitan ng App na libreng mada-download, malalaman ang impormasyon hinggil sa anumang kalamidad.
Maaari ring mag-upload ng impormasyon at larawan ang gagamit nito upang magsilbing abiso sa iba pang tumatangkilik sa Mobile App.
Kasama sa App ang kapasidad ng cellphone na magsilbing flashlight, strobe light o alarm sa panahon ng kalamidad. May radyo rin ito para sa Smartphone users.
Maaari nang i-download ang App sa iTunes at Google Play para sa Apple at Android users.
Maaaring ipasa ng gumagamit ng App sa non-Smartphone users ang mga matatanggap na impormasyon mula sa "Batingaw". | via@NDRRMC
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
"Batingaw", bagong Mobile App para sa panahong ng kalamidad.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, July 22, 2014
9:50 AM