Binalaan ng Ecowaste Coalition ang publiko laban sa ilang skin whitening cream na may mataas ng lebel ng nakalalasong kemikal.
Ang mga produktong ito ay nagtataglay ng libu-libong parts per million o ppm ng mercury na malayo kumpara sa pinahintulutang lebel ng ASEAN Cosmetics Directive na 1-ppm lamang.
Ang nasabing skin whitening cream ay mabibili sa halagang P80 hanggang P200 bawat piraso at gawa sa China, Japan, Taiwan at USA.
Posibleng makaapekto sa kidney at renal function ang palaging paggamit ng mga produktong may mataas na lebel ng mercury at maaring magbunsod sa skin rashes, skin discoloration at scarring, mababawasan din ng resistance sa bacterial at furgal infections ang balat dahil dito.
Narito ang mga produktong may mataas na lebel:
-BG Sea Pearl and Papaya Natural Essence 6Days Specific Eliminating Freckle Whitening Sun Block Cream
-BG Ginseng and Ganoderma Lucidum 6Days Specific Eliminating Freckle Whitening Sun Block Cream
-Yudantang Ginseng and Green Cucumber 10Days Whitening Speckles Removed Essence
-Feique Herbal Extract Whitening Anti-Freckle Set
-Erna Whitening Cream
-Yinni Green Tea Quickacting Whitener and Speckle Remover Package
-Jiaoli Miraculous Cream
-S'zitang
-Bai Li Tou Hong
-Jiaoli 7Days Specific Eliminating Freckle AB Set
-Sanli Eliminating Freckle Cream
-Gakadi
Ipinagbabawal na ng DFA ang pagbebenta sa nasabing produkto maliban lamang sa BG and Feique Creams. | via@Ecowaste_Coalition
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Binalaan ng Ecowaste Coalition ang publiko laban sa ilang skin whitening cream na may mataas na lebel ng nakalalasong kemikal.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, July 20, 2014
11:56 AM