TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Binatikos ngayon sa social media sites ang paring ipinapahiya ang isang 17-anyos na dalagang ina na magpapabinyag ng kanyang anak.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, July 9, 2014


Humihingi ngayon ng paumanhin ang pari mula sa Sacred Heart Chapel ng Jagobiao sa lungsod ng Mandaue, Cebu na nakuhanan ng video habang ipinapahiya ang isang 17-anyos na dalagang ina na magpapabinyag ng kanyang anak.

Inamin ni Fr.Romeo Obach na nagkamali siya nang ipahiya niya ang ina ng sanggol.

Humingi ang pari ng paumanhin hindi lang sa ina ng bata kundi maging sa mga kamag-anak nito at mga nakasaksi sa insidente.

Sa video na kumalat sa iba't-ibang social media sites, makikita si Fr. Obach na pinapagalitan ang dalagang ina na nagpapabinyag ng anak.

Sa salitang Cebuano, sinabihan ni Fr. Obach ang nasabing ina na nakahihiya ang ginawa nitong pakikipagtalik sa isang lalaking hindi naman niya asawa.

Tinanong pa ng pari ang ina kung hindi ba ito nahihiyang lumapit sa simbahan at pabinyagan ang anak na wala namang ama.

Naganap ang insidente noong Linggo, Hulyo 6 sa Sacred Heart Chapel sa Jagobiao, Mandaue City, Cebu. 

Ang video ay kuha ng ina ng 17-anyos na dalagang ina na inilagay nito sa kanyang Facebook Account.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments