Niyanig ng 4.5 magnitude na lindol ang Bohol nitong umaga ng Linggo.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naramdaman ito kaninang alas-6:21 ng umaga.
Natukoy ang epicenter ng lindol sa layong tatlong kilometro sa hilagang silangan ng Catigbian, Bohol.
May lalim itong 9 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang intensity IV sa Catigbian, Bohol; intensity III naman sa Cebu City; Sagbayan, Tagbilaran City, Tubigon at Clarin Bohol; habang intensity II sa Inabanga, Bohol.
Ang Bohol ay una nang napinsala ng 7.2 magnitude na lindol noong nakaraang taon lamang. | via@Phivolcs
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Bohol, niyanig ng 4.5 magnitude quake kaninang umaga.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, July 20, 2014
11:31 AM
Facebook
Twitter
