TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Brazil inilampaso ng Germany 1-7.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, July 9, 2014

Sinasabing "early morning massacre" ang nangyari laro sa World Cup matapos pahiyain ng bansang Germany ang bansang Brazil sa homecourt sa semi-finals sa iskor na 7-1.

Una rito, naging usap-usapan na ang nasabing laban dahil na rin sa pagkasuspinde ni Thiago Silva at pagka-injure ni Neymar, ang dalawang superstars mula sa team Brazil.

Sa katatapos na laro malaki ang naiambag ng mga German players na sina Andre Schurrle at Toni Croos na naka-score ng tig dalawang puntos.

Una rito, sa ika-11 minuto pa lang ng laro naka-goal na si Thomas Muller, isa sa mga pambato ng Germany. 

Pinilit itong habulin ng Brazil ngunit sa ika 23, 24 at 26 na minuto o sa loob lamang ng apat na minuto ay natambakan na ang Team Brazil sa iskor na 4-0.

Sa loob pa ng apat na minuto, naka-goal naman si Miroslav Klose sa 23rd minute habang ang dalawang sunod na puntos ay ginawa ni Toni Kroos sa ika-24 at ika-26 na minuto.

Pagkatapos ng first half ay sunod namang umiskor ng dalawang magkasunod si Andre Schurrle sa ika-69 at 79 na minuto ng laro.

Gayunman, hindi naman nabokya ang dating 5-time world champions na Brazil dahil sa 90th minute bago ang dalawang minutong stoppage time ay naka-goal si Oscar.

Naging emosyunal ang mamamayan ng bansang Brazil pati na ang mga nanonood mapa-bata at matanda. 

Ang dating maingay na stadium na pinunu ng mga fans ay nagmistulang haunted na kaaagad makaraang nilisan ng mga Brazilian fans ang lugar.

Mistula namang nagluluksa ang kanilang mamamayan na hindi pa rin makapaniwala at inilampaso lamang sila ng Germany.

Batay sa kasaysayan sa matchup ng dalawang magkaribal, hindi pa umubra sa pitong laro ang Germany sa Brazil.

Noong 1999 ay tinambakan ng Brazil ang Germany, 4-0, noong 2002 wagi din sa 2-0.

Habang noong 2004 World Cup ay nauwi sa tabla ang score 1-1.

Ito ang pinakamalalang pagkatalo ng football country Brazil na huling nangyari umano noon pang taong 1920.
Samantala ang 3-time world champions na Germany ay umusad na sa finals at aantayin ang resulta ng semi-final game din sa pagitan ng Netherlands at Argentina.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments