Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Brazil, inilampaso ng Netherlands, 3-0.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, July 13, 2014
9:24 AM
Nakatikim ng "BOO!" ang Brazilian Football Players mula mismo sa kanilang mga dismayadong kababayan matapos tambakan ng Netherlands sa laro kaninang madaling araw.
Bigo kasi ang lahat ng pagtatangka ng Brazil strikers para makagawa inaasam na goal mula sa simula ng 3rd spot playoff.
Naipasok ng Dutch player na si Robin van Persie ang unang goal sa ika-3 minuto lang ng laro, sinundan ito ni Daley Blind sa ika-16 na minuto at sinelyuhan naman ni Georginio Wijnaldum ng ikatlong goal sa ika-91 minuto.
Dahil dito, tiyak na ang Netherlands sa ang ikatlong pwesto sa 2014 FIFA World Cup.