TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Brazil Superstar Neymar hindi na makakalaro dahil sa injury.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, July 5, 2014

Kinumpirma ng Team Doktor ng National Team ng Brazil na hindi na makakalaro sa nagpapatuloy na World Cup ang kanilang superstar na si Neymar dahil sa back injury.

Sa ulat, nagkaroon ng fracture sa kanyang third vertebra sa kanyang likod si Neymar habang nasa huling bahagi na ng laro kontra Colombia kaninang madaling araw upang itabla ang quarter-final victory, sa eskor na 2-1.

Inilabas si Neymar sa football field na naka-stretcher.

Sinasabing namilipit sa sakit at mangiyak ngiyak ang star man ng Brazil makaraang tamaan ng tuhod sa likod niya ng Columbian Player na si Juan Zuniga.

Aabutin pa umano ng ilang linggo bago gumaling si Neymar kaya naman tiyak nang hindi ito makakalaro sa Miyerkules sa mahalagang laban sa semi-finals kontra sa three-time world champion na Germany.

Sinasabing ang mawawala na si Neymar ay malaking dagok sa kampanya ng Brazil lalo na at hindi rin makakapaglaro ang kanilang team captain na si Silva sa quarterfinals makaraang patawan ng yellow card.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments