TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

CBCP kay P-Noy: 'Irespeto ang desisyon ng SC laban sa DAP'.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Tuesday, July 15, 2014

Nananawagan ang Catholic Bishops of the Philippines o CBCP sa mga lider ng bansa na manatiling mapagpakumbaba at irespeto ang prinsipyo ng demokrasya para sa kabutihan ng lahat.

Ito ang reaksyon ng mga lider ng simbahan sa National Address ni Pangulong Noynoy Aquino kagabi nang idepensa nito ang Disbursement Acceleration Program o DAP fund kahit idineklarang unconstitutional ng Supreme Court o SC.

Ayon sa CBCP, dapat irespeto ang desiyon ng SC. Kung may pagkakamali, dapat aminin na lamang at itama.

Kailangang tandaan umano ng lahat na mandato ng hudikatura na kumilala sa batas na may kawastuhan sa bawat mahahalagang isyu.

Kung maalala, 13 ang pabor habang isa ang nag-abstain sa naging botohan sa Korte Suprema nang ideklara nilang unconstitutional ang DAP noong July 1, taong kasalukuyan.

Sa depensa ni Pangulong Aquino, pinagbatayan umano ng pagkakalikha ng DAP ay ang Section 39 ng Administrative Code of 1987 na nagbibigay kapangyarihan sa presidente na gamitin ang savings ng pamahalaan para sa ibang proyekto.

Bumawi naman ang CBCP sa pagsasabing igalang din dapat ang opinyon ng pangulo laban sa desisyon ng Supreme Court.

Pero dapat isa-alang alang din umano ang Rule of Law para maiwasan ang kaguluhan o krisis sa bansa. | via@CBCP

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments