TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Dalagita pinag-GRO ng BF na nakilala sa FB.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, July 25, 2014

Isang 16-anyos na dalagita ang ipinasok umano bilang Guest Relation Officer o GRO ng sinamahang nobyo na nakilala lamang sa ‘Facebook’ matapos mai-rescue ng mga otoridad sa Malabon City.

Nakapiit na ngayon sa detention cell ng Malabon City Police at nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na si Jestoni Lagaris, 23-anyos, ng Bry. Hulong Duhat ng nasabing lungsod.

Base sa pahayag ng ina ng biktima na si Josephine, 44-anyos, isang Overseas Filipino Worker o OFW, umuwi siya mula sa ibang bansa matapos tumawag ang nakakatandang kapatid ng biktima na lumayas ito at ilang linggo ng hindi umuuwi ng bahay.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nalaman na ang biktima ay sumama sa suspek na nakilala nito sa FB na ipinasok umano ng suspek sa isang night club bilang GRO.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ay nabawi ang biktima sa bahay ng suspek.

Nahaharap ng patung-patong na kaso ang suspek matapos aminin ng biktima na ipinasok ito sa isang night club bilang GRO. | via@MalabonPNP

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments