Inaasahan ng World Health Organization o WHO na tatagal pa ng ilang buwan ang pinakamalalang outbreak ng Ebola virus sa kasaysayan na nangyayari sa West Africa.
Ayon kay WHO Assistant Director General of Health Security Keiji Fukuda, imposibleng masagot ngayon kung hanggang kailan tatagal ang outbreak.
Umaasa na lang aniya sila na magkaroon ng development at mabawasan ang mga kaso.
Batay sa pinakahuling tala ng UN health agency, nasa 467 na ang kumpirmadong patay sa Ebola outbreak sa Guinea, Liberia at Sierra Leone.
Una nang sinabi ng Doctors Without Borders na hindi na makontrol ang outbreak ng virus at inaasahan na ito'y kumalat sa buong West Africa. | via@WHO
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Deadliest Ebola outbreak, tatagal pa.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, July 4, 2014
6:13 PM