Nagdulot ng takot sa mga magsasaka at mga mamamayan ng Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao ang diumano'y nakitang higanteng ahas sa kanilang lugar.
Sa salaysay ng ilang mga residente, ikinagulat ng mga ito ang nakitang ahas na may habang 50 talampakan at sinlaki diumano ng puno ng niyog ang katawan na tumatawid sa sapa sa Sitio Sinawang bago nagtago sa isang malaking puno ng kahoy.
Dahil sa pangyayari, hiniling ng mga nakakita sa Department of Environment and Natural Resources sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o DENR-ARMM na imbestigahan ang nasabing ahas na may pinaghalong kulay na berde, itim at dilaw.
Agad umanong nagpadala ng mga tauhan ang ahensiya sa naturang barangay upang hanapin ang nasabing ahas at alamin kun anong uri ito.
Nakatakda namang magbigay ng report ang DENR-ARMM team kay Regional Secretary Kahal Kedtag hinggil sa namataang ahas sa nabanggit na lugar. | via@DENR-ARMM
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Diumano'y nakitang higanteng ahas sa Maguindanao, nagdulot ng takot sa mga risidente.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, July 9, 2014
9:18 AM