TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Doktor, patay sa pamamaril ng pasyente.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, July 25, 2014

Patay ang isang doktor matapos mabaril ng kanyang pasyenteng nagpakamatay din sa emergency room ng isang ospital sa Cebu.

Wala nang pulso at nakasalampak sa wheelchair ang 73-anyos na suspek na si Wilfredo Sabonsolin nang abutan ng mga pulis.

Nagbaril umano siya sa sarili matapos barilin ang kanyang doktor, ang orthopedic na si Dr. Chris Cecil Abbu.

Tinamaan sa iba't ibang bahagi ng katawan si Abbu pero isang bala ang tumagos sa kanyang puso ang ikinamatay nito.

Nagpapa-check-up si Sabonsolin kay Abbu sa klinika nito sa Sacred Heart Hospital nang umalingawngaw ang putok.

Nakita na lamang ng janitor na si Eric Decatoria na binaril na ang doktor bago nagbaril sa sarili si Sabonsolin.
Bagama't hindi pa malinaw ang motibo ng pasyente, lumabas sa imbestigasyon na dalawang beses na itong naoperahan sa spinal cord at labis na nalulungkot sa kanyang kalagayan.

Nagtataka naman ang pulisya kung paano naipasok ng pasyente ang baril.

Wala namang bitbit na armas ang pasyente, ayon sa security chief ng ospital.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments